Letter of confession

I do not know how to start this letter, because I’m afraid it might be the end of our good acquaintance. Still I really do not know how to express the conflicting emotions that have surged like a storm through my heart. I told myself that I might take the risk, because it is the only remedy I know that could unburden this feeling I’ve been keeping ever since.

I thank God for bring you in my life. You are one of the friends to keep. I was so glad to get to know you as a person. A person who pushes me that I can do great things in life. I like being your friend, I like talking to you, and lastly I love seeing you. I enjoy your presence and being in it, which is why before I could never ever bring myself to tell you how I honestly felt.

Nevertheless, if something happened to our friendship, and I never being able to see you again, there would be no regret in my life than for you to not realize how I’ve truly felt for you all along. Therefore, I’m confessing to you and giving you my heart through this letter.

 

 

 

NANINIWALA AKO ni JUAN MIGUEL SEVERO

Naniniwala ako sa aswang. Lumaki ako na kinukuwentuhan ng mga tiyuhin ko na galing sa Capiz at Aklan tungkol sa kanila kaya, oo, naniniwala ako sa aswang. Naniniwala ako na kaya nilang magpalit ng anyo. Na dapat akong maging mas mapayapa na marinig ang pagpalatak ng bibig ng tiktik dahil kung malapit daw ang tiktik ibig sabihin ay malayo ang aswang. At siguro, iisipin mo na nababaliw na ako o napakadali ko namang mauto pero, oo, hindi ako nagsisinungaling, naniniwala ako sa aswang.

At naniniwala rin ako sa nuno. Naniniwala ako sa nuno – iyong maliliit na nilalang na nakatira umano sa mga punso. Na posibleng nandiyan lang daw na nagtatago sa likod ng puno. Kaya kinakagat ko ang daliri ko tuwing nalilimutan kong baka andiyan sila at ayaw nila nang tinuturo, dahil baka kunin nila ako sa gabi at dalhin sa kaharian nila para gawing kalaro. At alam ko, wala pa akong kilala na dinukot nila pero mahirap nang sumugal, kaya kapag nagturo ako sa masukal na gubat kinakagat ko ang aking hintuturo dahil, madali akong maniwala at naniniwala ako sa mga nuno.

At tutal rin lang ay sinasabi ko na ang mga kalokohan na ‘to, siguro dapat na ring malaman mo: ang dami pang mga bagay na walang basehan ang pinaniniwalaan ko. Katulad ng tuwing umaalis ka ng maaga habang kumakain tayo ng magkasama ay iniikot ko ang mga plato para hindi ka mapahamak sa kalsada. O sa tuwing mahuhulog ang tinidor ko kapag kumakain ng mag-isa ay iniisip kong sosorpresahin mo ako sa iyong pagbisita. Nakagat ko ang dila ko kanina at binigyan ako ng numero na sakto sa unang letra ng pangalan mo at hiniling ko na sana ay nasa isip mo nga ako. At oo, kung nakagat mo ang dila mo kanina, malamang kasalanan ko ‘yon dahil nasa isip kita.

Nasa isip kita. Sa umaga, kapag nakita ko kung anong oras na, iniisip ko kung nakarating ka na ba sa opisina. Nasa isip kita. Sa tanghali, alam kong nagtitipid ka pero kumain ka naman nang sapat para hindi ka gutumin sa trabaho, ‘di ba? Nasa isip kita. Sa hapon, malamang pagod na pagod ka na naman sa dami ng pinapagawa nila sa’yo na hindi mo kayang tapusin bago magdilim. At nasa isip kita. Sa gabi, saan ka pa pupunta pagkatapos ng trabaho, magbabaka-sakali na puwede tayong magkita. At patawad, wag ka sanang mairita pero gusto kitang makita, maniwala ka, dahil minsan nakakasawa na nasa isip lang kita.

At oo, malamang hindi nga ito ang pinakamagandang panahon para sabihin sa’yo ito bilang puro maligno at lamang-lupa ang kaninang mga binabanggit ko pero intindihin mo: kung kaya kong maniwala sa mga bagay na wala akong basehan o katibayan tulad ng mga ito, bakit ako hindi maniniwala sa’yo? Sa atin? Sa tayo?

Kapag nginingitian mo ako, naniniwala ako. Kapag hinahawakan mo ang kamay ko, naniniwala ako. Kapag inaakbayan mo ako, naniniwala ako. Kapag hinahalikan mo ako, naniniwala ako. Naniniwala ako dito. Hindi ito laro. Hindi ito “hanggang dito na lamang at maraming salamat.” Naniniwala ako na kaya natin ito. At naniniwala ako na kung maging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sa’yo.

Oo. Ikaw ang tinuturo ko at hindi ko kakagatin ang daliri ko, dahil gusto kong tangayin mo ako patungo sa kung saan mang kaharian o kagubatan mo gusto. Oo. Ikaw ang sinisigaw nitong dibdib ko at hindi ako matatakot kung lalapitan mo ako. Dahil naniniwala ako. Naniniwala ako na kaya natin ‘to.

At naniniwala ako sa karma. Na kung ano ang ibigay mo sa kalawakan ay siyang ibabalik nito sa’yo nang may interes pang kasama. Ilang beses ko nang isinilid sa garapon ang puso ko at itinapon ito sa dagat sa pag-asa na may makakahanap sa kanya at magbabalik sa akin nito ng buo pa. Pero ang tagal na at wala pa akong nakukuha. Kaya kung sakali lang na makita mo ang puso ko na inanod sa aplaya; iniisip kung anong gagawin sa kanya – itatabi, itatapon o ipagsasawalang-bahala, maghihintay ako sa desisyon mo. Maniwala ka sa’kin. Maghihintay ako. Ibalik mo sana.